dysania

Sleepyhead

First day of classes awhile ago, and sobrang bangag ko. Like, mukhang wala akong tulog at hindi nakapagpahinga ng ilang araw. Kasi naman, kailangan nasa sa university na ako by 7AM - 730AM for the time-in. Pero ang start ng class if 8AM dahil every Monday may flag ceremony sa harap ng university. Ugh. Nakakaasar. Kulang ang 2 weeks para magpahinga. Srsly… di kinakaya ng braincells ko maprocess ang mga nangyayari ngayong araw na'to. Tapos sasabay pa na 3 subjs ang meron ako ngayon. 3 SUBJECTS. Hell! Nagra-rant ako kasi lahat sila 3 hrs each. There’s NSTP, Filipino, and Phil. His. Kahit na gustuhin kong makinig di ko kinakaya kasi inaantok sa discussion na nagaganap. Parang may dumaan, rather, may naupong anghel sa room namin kasi ang tahimik namin. Halatang may hangover pa sa Christmas and New Year parties na pinuntahan. At mga mukhang pumarty pa bago pumasok ngayong araw. 

Sobrang nakakapagod tong araw na'to kahit na sabihing wala naman akong ginawa kundi ang umupo at makinig sa discussion ng profs ko. Pero kasi, nakakaantok talaga!! If nasa mood ako makinig, makikinig talaga ako, pero kasi inaantok ako! Hindi ko kaya! Buti na nga lang, pinipilit ko pa ang sarili kong makinig sa discussion eh. Hayy buhay…

150105

  1. imperfect-paragon posted this